ALL THINGS MUST COME TO AN END

Lahat ng bagay sa mundo ay may katapusan. Walang permanante. Masakit man isipin, pero minsan kailangan kang mamaalam sa mga bagay na naging parte na ng iyong buhay. Kailangan mo itong gawin kahit na masakit sa kalooban.

Naging mahirap para sa akin ang desisyon na ito. Ilang linggo kong pinag-isipan ng mabuti kung tama nga ang gagawin ko. Ang pinakamabigat na dahilan kung bakit hindi agad ako nakagawa ng desisyon noon, ay dahil sa alam kong may mga taong malulungkot sa aking gagawin. Mga taong itinuring ko na rin na kaibigan. Mga taong naging parte na ng buhay ko mula ng nagsimula akong maging isang “blogger”…

Pero intindihin nyo rin ang sarili kong kalagayan. Mahirap para sa isang katulad ko na pilitin ang isang bagay na hindi na nagbibigay sa akin ng kaligayahan. Ako ang tipo ng tao na kapag kinukulit at sinasabihan na “ituloy mo lang yan”, lalo akong tinatamad at lalo akong nawawalan ng gana.

At ano nga ba ang tinutukoy ko?? Yan mga kapatid ay ang buhay ko bilang isang “blogger”. WordPress.com blogger to be exact. Nagsawa na ako. Obvious naman di ba? Hindi na ako gaano gumagawa ng entries, at mas lalong hindi ko na nakukuhang dumalaw sa mga blogs ng mga kaibigan. Susmiyo, hindi lang kayo ang ‘disappointed’ sa akin. Ako mismo dismayado sa sarili ko.

At dahil sa mga nangyari kamakailan lang, naisipan kong tuluyan ng mamaalam. Ititigil ko na ang blog na ito. Ito na ang katapusan ng blog ni AZRAEL, na kung ilang beses din namayagpag sa BOTD noon. Iiwan ko na ang blog na ito.

Hindi nyo na makikita at mabibisita ang blog ko, na sigurado akong kinamuhian man ng karamihan, pero minahal naman ng ilan.. ISASARA KO NA ITO.

Pero teka lang…

Alangan naman ganun na lang yun? Parang sobrang drama ano?? Pano na ang mga mixes? Ang mga walang katapusang ‘rants’?? Ang mga pananaw sa buhay na puro kalokohan man, pero mayroong ding mga aral na mapupulot??? Ang mga kwento tungkol sa pagiging tatay?? Ang mga pictures at latest news tungkol kay AILA?? Ang mga misadventures sa disyerto? Ang award-winning photography?? Award-winning ampft! Bwahahahaha!

PAANO NAAAAAAAAAAA????!!!!!!!!!!!!!!!

Ito ang solusyon sa problema.. Ang kasagutan sa pagdadalamahati at kalungkutan ng buong mundo kapag sinara ko na ang blog na ito..

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

Ano pa hinihintay nyo dyan??!!! Click na at bisitahin nyo na ang aking bagong bahay. Dahil sa totoo lang ginagalis na ako dito sa libreng wordpress at kailangan ko ng lumipat sa aking bagong mansyon!

About these ads
Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

%d bloggers like this: