Archive for March 30th, 2008

30
Mar

Halo-halo

I’m not in the mood for writing a dedicated entry today. Wala akong maisip tumbukin. Kaliwa’t kanan ang laman ng utak ko. Kaya bago ko tuluyang ibaon sa limot ang mga naiisip ko, mabuti ng ma-blog agad.

  • Ang kyut ko pala nung bata. Nahagilap ko isang pic ko noong baby pa ako. Nagulat ako dahil ang dami pala talaga ng similarities namin ni Aila. Eyes, lips, chin, cheeks and the hair. Hahaha pareho kaming long hair baby pa lang. In short, magkamukha kami talaga hehe. Here’s the my baby pic together with Aila’s. Ang magsabing hindi ako cute, PAKYU!
a1.jpga2.jpg
  • Badtrip sa field kanina. Actually hindi sa field. Tapos na akong magtrabo at kailangan ng kumain. Medyo sumasakit ang tyan ko kanina at inaatake na naman ako ng hyperacidity, kaya namili ako ng kakainan. Yung disenteng tignan at sa paningin ko eh malinis ang CR. Pagkatapos kumain, dumerecho ako sa CR para.. ah uhmmm.. alam nyo na. Tangna badtrip! Bakit lahat ng lang ng kubeta dito eh puro ganito ang itsura? Hindi ko maatim na umupo na parang babaeg umiihi. Kung alam ko lang na ganyan lang din aabutan ko, sana nagdala na lang ako ng silyang may butas sa gitna at ipinasok ko sa bwakananginang CR ng restaurant na yan.
dsc02289a.jpg
  • Bigger is not always better. May nakilala akong isang Omani Photographer about two weeks ago. Meron syang binebenta na camera lens. Not exactly the lens I want, pero with the deal he offered me, who am I to say no. For 10 thousand pesos, I got 2 brand new lens. A 28-90 Canon and a 70-300 Tamron, good enough to cover the focal range I badly need. I was saving for the Canon EF 70-200 f2.8L IS USM, kaso mo sobra mahal. 1700 dollars darn! Kaya kinuha ko na rin dahil baka sa iba pa mapunta. Tangnang lens yan. maganda lang tignan pero I can’t seem to get decent shots lalo na pag nakasagad sa 300. Wala kasing image stabilizer haaaay. Ok lang, bukod sa mura lang naman, eh maganda rin tignan sa camera ko. Para akong may bazooka ampft!
can.jpg
  • Dismayado na naman ako. Kanina ko pa binabantayan yung 77,777 sa blog hits. Minsan na akong na-emo dahil hindi ko na-screen cap yung 66,666. Tangna 77,775 lang kani-kanina eh, pag click ko ng refresh 77,782 agad. Grrrrrrrrrrr! I am not obsessed by the number of hits mind you. Gusto ko lang talaga yung same numbers. Oh well, guess I have to wait for 88,888 or 99,999. Sige, next month hehe.
  • Palaisipan sa akin ito. Bakit mayroong mga babae na ayaw binabastos? Kapag napasama ka ng titig sa dodo, bibigyan ka ng isang matalim na tingin o kaya naman pagtataasan ka ng kilay. Pag minamalas-malas ka sisigawan ka pa ng “bastos!” o kaya “manyak!”.. Pero wag ka, lalabas at gigimik at magpapakuha pa ng pic, bakat utong naman. Ang babaeng ito ang perfect example. Kausap ko sa YM, puro sermon ang inabot ko. Kulang na lang sabihin saken na magmamadre sya. Pero pagsilip ko ng profile sa friendster, eto ang bumulaga saken. Ladies, make up your minds please. To ‘bastos’ you? Or not to ‘bastos’ you?
nips.jpg
  • I’ve been thinking about death for the past weeks. Ang matindi dyan, yung kamatayan ko iniisip ko. Madami na kasi ako nararamdaman na kakaiba sa katawan ko. Pakiramdam ko para akong sasakyan na malapit nang tumirik. Pero sisiguraduhin kong bago dumating ang oras na kailangang itapon na ako sa ‘junkyard’, hihirit pa ako ng isang matindi, at makikipag-karera sa kahit sinong gustong subukan kung mayroon pa akong ibubuga. I will give you one race you will never forget. I may not finish first, and in fact might finish last, but one thing I will assure those who want to try me, you will eat dirt.
oldracer.jpg
  • Talk about death again. May nabasa ako sa dyaryo kanina na mayroon na raw isang kumpanya na magpapadala ng inyong ‘remains’ sa moon bilang huling hantungan. Kewlness!! Ilalagay ang abo sa isang compartment, ikakarga sa isang rocket ship bla bla bla, at ‘yon ay babyahe papuntang buwan. Astig!!!! Mahal nga lang pero.. parang kewl yata na imbes na taon-taon akong puntahan sa sementeryo ng mga gustong magbigay pugay sa aking iniwang ‘legacy’ (bwahahahaha!), ang gagawin na lang nila ay tumingala gabi-gabi at tignan ang buwan.. Maaalala na nila ako… Awesome!
img_8029.jpg
  • Last na to tungkol sa ‘death’. Pag namatay ako ayoko tugtog na malungkot. Gusto ko sounds ‘Techno’. Pwede rin tribal o kaya electro. At dapat siguro may Rave Party ano? Madami kaya pupunta? Gusto ko merong ledge dancers ha! Wahahahaha!

At dyan nagtatapos ang halo-halong kaweirduhan ng aking isipan. Pag hindi na ito nasundan ng isang entry pa, ito ang gawin nyo….

GO OUTSIDE ON A PERFECT NIGHT AND LOOK AT THE MOON. SMILE AT IT, AND IF IT SMILES BACK, IT MEANS AZRAEL IS GIVING YOU THE PINGBACK!




Encounters

  • 98,508 aliens have made contact

 

March 2008
M T W T F S S
« Feb   Apr »
 12
3456789
10111213141516
17181920212223
24252627282930
31  

Archives

Categories