26
Mar
08

missing college life

  • Miss ko na gumising ng alas-singko ng umaga
  • Miss ko ng magsuot ng black pants at white polo
  • Miss ko na makipagrambulan sa abangan ng dyip sa kanto para lang makasakay
  • Miss ko na usok ng Maynila
  • Miss ko na ang baha sa Espana
  • Miss ko na baked macaroni sa canteen
  • Miss ko na tumalon sa kabilang building ng Educ, noong ang CAFA eh nasa Engineering Bldg pa
  • Miss ko na rambol ng Tau Gamma at APO
  • Miss ko na ang aking fraternity na Lamba Epsilon Theta na ni minsan, hindi nakuhang sindakin ng mga ungas na Fratofco
  • Miss ko ng magbitbit ng T-square, triangles at rolyo-rolyong tracing paper
  • Miss ko na gumawa ng floor plan at perspective sa loob ng apat na oras
  • Miss ko ng tumambay malapit sa Main Building para sundan ng tingin ang mga naggagandahang bebot na nakaputi habang kumekembot na parang mga bibe sa paglalakad
  • Miss ko ng kumain ng student meal sa P. Noval
  • Miss ko ng mag-cutting class at maglaro ng bilyar sa Dapitan
  • Miss ko nang tumambay sa harap ng Educ building habang nagyoyosi at naghihintay ng mga ka-gimikang bebot papunta sa Tia Maria, Cafe Estella, at Eagle’s Nest (lol)
  • Miss ko na makitulog sa bahay ng mga kaklase para gumawa ng group plate, na laging nauuwi lang din naman sa inuman sa Pasay wahahahaha!
  • Miss ko na tumulong sa mga plates ng mga bobitang classmates na may kapalit. (*sipol sipol)
  • Miss ko na ang bonding nga tropa na kapag may isang nag-bertdey, ang treat ay sa Happy Sauna o kaya Maalikaya.
  • Miss ko na si Dean Simpliciano na lagi akong sinisigawan kapag nagkakasalubong kami
  • Miss ko na si Dean Reyes na kahit na matanda na, eh seksi pa rin at katakam-takam

Madami pa akong nami-miss.. Pero ikaw ang pinaka-miss ko sa lahat..

 

ust-arch.jpg
Dadalawin kita minsan. Isasama ko si Aila. Ikukuwento ko sa kanya kung paano mo ako pinahirapan ng limang taon. Kung paano mo hinubog ang aking pagkatao. Kung paano mo ako inihandana na harapin ang mga pagsubok sa buhay.
Salamat sa pinagsamahan mahal kong Alma Mater. Univeristy of Santo Tomas, magkikita tayong muli.

29 Responses to “missing college life”


  1. 1 Lenggai March 27, 2008 at 12:51 am

    -miss ko na ang Varsi
    -miss ko na rumampa ng nakapambahay sa main building
    -miss ko na ang mango at choco oreo shake sa P.Noval (dati P15 lang yun, ngayon sobrang mahal na)
    -miss ko na tumambay sa soccer field at magpiyesta sa mga dumaraang atleta na magte-training pa lang
    -miss ko na yung uniporme namin
    -miss ko na yung mga araw na payat pa ako, hehehe!
    -miss ko na ang sizzling sa Almer’s, lomi sa Food Corner at lunch sa Lopez at Mang Tootz
    -miss ko nang magtago at mag-reflect sa UST church kapag pakiramdam ko eh pinagsakluban na ang mundo ko ng langit at lupa
    -miss ko na makipag-inuman sa Tapsi (atsaka yung isa pang inuman sa me Dapitan?)
    -miss ko na ang Paskuhan at ang fireworks display
    -miss ko na UAAP (nakakapunta pa naman ako pero iba syempre yung nakikisigaw ka sa ‘walang pasok!’ pag nananalo ang USTe)
    -miss ko na mag-cheer ng ‘Go USTe!Go USTe! Go USTe! Go! Go! Go! Go!’
    -miss ko na ang footlong at fishball sa dapitan
    -miss ko na mampower trip sa mga guwardiya (manong, sa varsi!)
    -miss ko na mag-cutting class
    -miss ko na COOP canteen (wala na siya,giba na)

    ibang-iba na ang hitsura ng USTe ngayon, Az… wala na yung Colayco Park, para na siyang Greenbelt, may fountain at wifi, marami na ring bagong building, tsaka mas marami nang sosyal na kainan. pansin ko nga, isa sa mga paraan nating mga alumni para maging “connected” sa alma mater natin eh ang pagbili ng Tomasino merch… me jacket kaming binili na kung noong college eh nachee-cheesyhan ako, ngayon eh sarap na sarap akong isuot pag nasa editing ako… those were the best years of my life! haaayyyysss… :D

  2. 2 A Z R A E L March 27, 2008 at 1:10 am

    @ Lenggai -

    yung lopez panahon ko meron na yun. buhay pa pala lols. naabutan mo pa kaya rowies? hahahaha! old skul ampft! tangna wala na coop canteen?? waaaaaaaaaaah! dami ko memories dyan. mula ng gumradweyt ako di nako nakabalik sa uste. ay isang beses pala. concert ng parokya kase oraganizer na ako nun. magkahiwalay na rin noon ang cafa at eng.

    haaay nako. kailangan makabalik. mula welcome lalakarin ko kahabaan ng espanya, makikisabay ako sa mga estudyante ng uste at iisipin ko isa pa rin ako sa kanila hahaha!

  3. 3 Lenggai March 27, 2008 at 1:33 am

    hambilis!!! lol!

    di ko na natatandaan yung rowies… 1997 ako pumasok… yung joli’s, oo, me “branch” na nga sa P.Noval eh… bumabalik-balik pa rin ako, pero bihira na lang, minsan tatambay lang ako dun pampa-relaks… lalo na kapag sobrang nababaliw na ako sa mundo ko, pupunta lang ako dun sa simbahan at tatakpan ko yung isang mata ko para makita ko lang yung mga lumang building… sa ganung paraan, nare-”recharge” ako dahil sa magagandang ala-ala na hatid ng lugar na yun.

    ngayon gagraduate na kapatid ko sa april, fine arts siya eh, adver, next time dalawa na kaming magrereminisce. sobrang ganda rin pala ng beato, yung building ng CFAD (yun na tawag sa college ninyo) ngayon. minsan ipapadala ko sayo mga kuha ng kapatid ko sa bagong USTe. sana makilala mo pa. hehe.

    CFAD na pala tawag. sobrang tagal ko ng walang balita. 1997 ka pumasok.. gusto kong pagtawanan ang sarili ko dahil nung mga panahon na yan eh gradweyt nako, pero ikaw na lang pagtatawanan ko dahil neneng ka pa pala.. wahahahahaha! watta kiddo.. and pls pls.. would appreciate it kung merong mga pics from ur bro. gusto ko makita itsura ng uste ngayon :D

  4. 4 camilleeee March 27, 2008 at 3:37 am

    di man tayo pareho ng skul kuya, pero makiki apir ako dito…

    - Miss ko ng magbitbit ng T-square, triangles at rolyo-rolyong tracing paper.
    - Miss ko na gumawa ng floor plan at perspective sa loob ng apat na oras. (hehe kamusta naman ang ‘elevations’?)

    tsaka miss ko na rin ang gumamit ng ‘leroy’ :D

    ahaayy.. those were the days…

    elevations? nyahahahaha! grabe nung panahon ko wala pang acad eh. kaya ang hirap. ngayon isang oras lang pwede ka na gumawa haaaay..

    talk about leroy lol, buhay pa yung saken. kaso mo barado na ng tinta di ko alam kung uubra pa! :P

  5. 5 Jon Cabron March 27, 2008 at 8:43 am

    langya ka naman lenggai, baka naman nanonood ka pa ng mighty mouse and friends e nasa uste na si kuya az,

    /i hide nao

    kuya az ampft! bwahahahaha!

  6. 6 biggie March 27, 2008 at 10:32 am

    hey! Uste ka pala? Archi ako e, 92-97. Miss ko na ang pritong itlog pugo sa Dapitan. :)

    uste ka rin hahaha. nag-abot tayo lol. pero syempre hindi ko sasabihin kung anung yr ako dahil mahahalata ang edad nyahahaha!

  7. 7 linglingbells March 27, 2008 at 11:44 am

    thomasian ka pala.. proud ka bang thomasian din si jun lozada?? hehe. wala lang, natanong lang..

    kahit sino pa ang mga naggaling sa uste, proud ako tlaga :P

  8. 8 Maldito March 27, 2008 at 2:26 pm

    wow..taga UST…mayaman ka pala bro…tinitingala..ahehhee..ako kung indi pa ako naging working student indi talaga ako nakapag aral sa social na school….i missed college life too..tsk tsk..why do we have to abide to changes? :(

    nyek! mayaman ka jan. kung mayaman kami sana sa harvard ako nag-aral lol.

  9. 9 terri1611 March 27, 2008 at 2:35 pm

    archi ka noh?hehehe..si delos reyes na madaming benz… bwahahahahah

  10. 10 terri1611 March 27, 2008 at 2:37 pm

    aHhhh CAFA nga pala si Reyes nun….

  11. 11 rhapsody March 27, 2008 at 5:40 pm

    nakakamiss tlga college life!!! pag-uwi ko ng pinas dalaw agad ako dun!

    san ka ba mylene? samahan kitang dumalaw sa alma mater mo. sabay nating balik-balikan ang nakaraang colleg life. pero syempre dapat holding hands tayo

  12. 12 Schumey March 27, 2008 at 6:29 pm

    Ang na-miss ko ay ang dumalaw dito sa blog mo. sobrang busy kaya ‘di ko na makuhang maka-bisita sa mga ka ututang keyboard ko. Musta na diyan? Mainit na rin dito at kung maaari ay laging nakababad ako sa malamig na tubig. Eto, kayod marino at medyo mataas na lahat. Ingat ka diyan lagi.

  13. 13 A Z R A E L March 27, 2008 at 8:48 pm

    @ schumey - oist salamat sa pagdaan ulit! teka lang nasan ka ba? bakit mainit na rin dyan?

  14. 14 antuken March 27, 2008 at 9:19 pm

    masaya talaga ang college ano? kahit di tayo pareho ng school, i could totally relate kse marami rin ako nami-miss sa alma mater ko…

    parang timing naman ang post na to, kse lately ang mga natatanggap ko na emails ay ganito ang tema… hehehe…

  15. 15 Lenggai March 27, 2008 at 10:46 pm

    cge ipapadala ko sayo pag na-compress na niya… :D

  16. 16 aKDa March 29, 2008 at 10:16 am

    ang mayric’s! ang mayric’s! di niyo namimiss ang mayric’s?

  17. 17 eNocH March 29, 2008 at 5:11 pm

    ako miss ko na ang san marcelino! :)

  18. 18 A Z R A E L March 30, 2008 at 8:02 pm

    @ chona - madami din ang emote tungkol sa alma mater nagyon ano?

    @ lenggai - asahan ko yan ha. at wag ka ng mahiya na isama na rin ang pic mo na naka-bikini ok?

    @ akda - honga noh! nakalimutan ko yun ah!

    @ enoch - san yun?

  19. 19 aKDa March 30, 2008 at 8:57 pm

    haha! ang annex ng USTe. ^_^ hehehe. gudluck sa iyong pagbabalik! sana’y makapag-pa-autograph kami! nyahahah!

  20. 20 Lenggai March 31, 2008 at 9:16 pm

    @ lenggai - asahan ko yan ha. at wag ka ng mahiya na isama na rin ang pic mo na naka-bikini ok?

    — naku, az… hindi mo alam ang sinasabi mo… lol!!!

    pero basta, me utang ako sayong mga litrato… di ko pa makarir ngayon… basta, hindi matatapos ang april… ;)

  21. 21 A Z R A E L March 31, 2008 at 9:51 pm

    @ lenggai - sige sige.. asahan ko yan. no rush! pero pag natapos ang april at wala pa yan, kalimutan mo na ang friendship naten! lol

  22. 22 Obetmad April 1, 2008 at 10:36 pm

    It has been the best blog I read this year. It brings me back to the memory lane when I read it. Kaya lang, there are new things that I don’t know anymore about our alma mater. I would just like to share lang somethings you guys didn’t mention during my stay at UST,
    Those were the days na hindi pa uso ang calculator. We normally carry the slide rules at the back packet of our maon pants. T-squares, Triangles, etc, are for freshmen only noon.
    Miss ko na din yun shoulder length haircuts, apro look, etc.
    Miss ko na din yun naka sandals, maon pants and white T-shirts lang going to school.
    Miss ko na din yun engineering paper. Do you still use them now during test?
    Miss ko na din yun mga student rallies during pre martial law days when the MetroCom are there at Espana looking for those pasaway who are carrying molotov bombs.
    Miss ko na din yun mga intrams when Eng’g use to dominate all the sports inside the campus.
    Miss ko na din yun mga professors who are terrors in their respective subjects/classes.
    Miss ko na din si Mr. Sucgang whose voice can be heared 3 classrooms away from your room.
    Miss ko na din si Mr. Agbayani, my favorite professor whose Civil Engineering Registration number is # 7.
    Miss ko na din yun manood ng mga bomba films doon sa Evangelista St. sa Quiapo pag suspended ang classes due to typhoons, floods, rallies, etc.
    Above all, miss ko na din yun buhay estudiante ulit sa Uste.

    obet (UST BSCE ‘76)

    naks another tomasian in da haus! hehe

    noong first yr ako allowed pa sa amin naka-jeans lang at anything white na pantaas. kaso mo binago dahil nakakalituhan ang eng at cafa. kaya naging black pants kami so uncool huhuhuhu!

    76 ka pala mang obet. di pa ako naglalakad nun nyahahaha!

  23. 23 koreanmine April 2, 2008 at 8:51 am

    waaaaaa mis ko na din yan! lagi ako jan nag wi wish pag dadaan at iisiping ma22lad ako sa movie na somewhere in time..

    miss ko na din yung mga nag sa sign of the cross sa main bldg.

    miss ko na din yung mga naliligo sa fountain at kala ata nila eh public park ang uste.

    miss ko na din ang fishbol sa canteen at ang coop na una ko nabilhan ng tampax!!!

    miss ko na din tumambay sa gilid ng gym at sa tinoko park

    at hanggang ngaun, ini isip ko p din bat di ako nag AB para mas maganda ang Uniform ko habang naka upo sa damuhan :D

  24. 24 A Z R A E L April 2, 2008 at 10:23 pm

    @ korean - AB ka pala. dami maganda dun ah hehe.

  25. 25 koreanmine April 3, 2008 at 1:53 pm

    di nga ako AB, commerce nga kaya pangit uni namen :(

  26. 26 A Z R A E L April 3, 2008 at 2:11 pm

    @ koreanbug - aaaaay mali ang basa ko bwahahahaha! commerce ka pala.. hmmmm.. ok naman uniform nyo ah. ang korny na uniform ENG na babae lolerz

  27. 27 koreanmine April 3, 2008 at 3:31 pm

    muka kami trying hard na nurse eh! dami tuloy nag papaBP saken ng kapitbahay ko! lols :lol:
    ska di mkabukaka ng upo, pa demure palage :(
    pero mas lalo nga ayw ko ng ENG! lols parang nangungutim! :lol:

  28. 28 aKDa April 3, 2008 at 4:24 pm

    haha! papangitan ba ng uniform? eh wala ng tatalo samin! -college of accountancy…

  29. 29 A Z R A E L April 3, 2008 at 8:54 pm

    educ korny din uniform ng mga babae. parang AB at mga taga-main bldg lang ata maganda uniforms eh.

    pero wala sa uniform yan… nasa underwear nyahahaha!

Leave a Reply




Encounters

  • 97,500 aliens have made contact

 

March 2008
M T W T F S S
« Feb   Apr »
 12
3456789
10111213141516
17181920212223
24252627282930
31  

Archives