Archive for March 21st, 2008

21
Mar

In your face! (updated)

Hindi ko ugali na bigyan ng pahalaga ang mga blog stats na yan. Kung ang habol ko eh site traffic at katakot-takot na hits eh di sana ginawa ko ng ‘azrael666.com’ or ‘azraelgwapo.com’ itong blog ko para makapaglagay na din ako ng kung anu-anong banner at ads na wala namang saysay sa sidebar, at sana eh lahat ng bagay na lang eh ginawan ko ng entry. Wala rin ako balak pagkakitaan ang blog na ito dahil hindi ako magsasayang ng oras kagagawa ng ‘money-earning entries’ also known as ‘walang kwentang post na wala naman nagbabasa, I therefore conclude that it’s crap’, para kumita lang ng 20 dollars a month? 30? 50? 100? 200? Puhleeeeese! Ano ako poor???? Hindi ako mayaman pero hindi rin naman ako naghihirap. Kung guaranteed 1000 USD makukuha ko buwan-buwan, sige gagawin ko yan. Pero hindi pa rin ako maglalagay ng sandamukal na ads sa blog ko no. Ayokong magmukhang talipapa ang aking munting espasyo sa internet. Kaya kong intindihin kung sideline lang ang ‘blogging for money’, pero kung kinakarir na yan, pinaghahalo-halo na ang post na personal at business, at nagiging main, or should I say “ONLY” source of income ang blog, aba, kailangan mong itatak sa kukote mo ang sasabihin ko.. Instead of driving traffic to your ‘talipapa’ blogs for the sake of money, get a real job instead losers.

Kuntento na ako kagagawa ng entries tungkol sa buhay abroad, tungkol kay Aila, Music, Photography, Fatherhood, Married Life, at tungkol sa kaliwa’t kanang reklamo ko sa mundo. Ok na ako dun. Doon ako masaya. Yan ako eh, may magagawa ba kayo? At kahit may magawa pa kayo, sasakit lang ang ulo nyo sa akin dahil ibitin nyo man ako ng patiwarik, at tortyurin sa silyang may kuryente, hinding hindi nyo makukuha ang gusto nyo sa akin. If I gave it to you, it’s not because you persuaded me, It’s because I wanted to.. Remember that.

I remember someone telling me this before:

“Kailangan ibahin mo ang style mo ng blogging. You have to adjust. If you want your readers to continue reading your posts, give them something new. Something that won’t bore them, and drive them away. Dahil sa totoo lang, medyo nakakasawa na entries mo. Yun at yun na lang eh. Mixes, Aila, etc. Bigyan mo sila ng iba naman. Trust me on this one friend, I know how to play with the readers. I know what they want and If I need to make up stories so that they can’t get enough of me, and will come back for more, I will. That’s how you should blog. That’s how u drive traffic to your blog. Kita mo ngayon, nawala ka ng medyo matagal, hindi na sila bumalik. You can’t blame them. Hindi ka kasi nag-uupdate lagi. Tapos nung bumalik ka same style of entries pa rin. Hindi ka na makakabalik sa top blogs nyan”

  1. I have to adjust? Bakit? Kahit na may kasagutan pa sa tanong na yan, I don’t care. I will not adjust because I don’t want to. “If it ain’t broken, don’t fix it”.
  2. Give them something new daw.. Dahil baka nagsasawa na daw sa post ko tungkol kay Aila at kung anu-ano pa. Let me make this clear and simple. I will post pics of my daughter every single fuckin’ hour of the day if I fuckin’ want to, even if nobody wants to fuckin’ look at them anymore. At pangako ko na titigil lang ako magpaskel ng pics ng anak ko pag may asawa na sya. O kaya naman, kapag sira na ang camera ko. Kaya kung hindi nyo type ang mga pics ng mga cute na babies tulad ni Aila pwes, libre kayong tumambay sa blogs ng iba na puro sentimental music at lovesong videos with lyrics, na galing sa youtube ang laman. Doon kayo makisabay sa pagkanta ng inyong favorite song habang nag-gu-group hug at nagmumuni-muni sa inyong pathetic love life. O kaya naman, doon kayo magpunta sa blog na puro nakakasukang litrato ng mga lalaking ‘half-naked’ at namumukol ang mga burat ang naka-display. O kaya, maki-emo kayo sa mga kapwa nyo emo, magpakalasing kayo sa inyong problema at masalimuot na buhay kahit na ang katotohanan eh wala naman talaga dapat pinoproblema at gawa gawa nyo lang ang inyong depresyon, fuckers.
  3. I don’t need to make up stories. Aminado ako paminsan minsan, dagdag-bawas din ako sa kwento para itago ang mga personal na bagay. Hindi ko na siguro kailangan pang i-kwento kung paano nilamutak ni Mrs. Azrael ang bayag ko at nagkalugas-lugas ang bulbol ko noong nag-away kami di ba? Hindi ko na rin siguro kailangan sabihin pa na ang tunay na dahilan kung bakit ako nawala ng matagal ay na-ospital ako ng 2 weeks sa pinas di ba? At minsan kailangang dagdagan ng ‘juicy details ang isang paglalahad para maging ‘immersed’ ang isang tao sa pagbabasa. You get my point, of course you do.. Sa kabila ng dagdag-bawas na yan, ni minsan hindi ako nag-imbento ng seryosong sitwasyon o pangyayari sa buhay ko para lang katuwaan, kaawaan, bigyan ng simpatya, palakpakan, pagnasaan, pagpantasyahan at mahalin ako ng mga mambabasa. Hindi ko kailangan na mahalin ako ng tao. Sagana na ako sa pagmamahal. I have my wife, daughter, family, and friends. They are enough. At kung kalandian naman ang iniaalay sa akin ng isang mambabasa, hindi ko na yan papatulan pa sa blog na ito dahil minsan na akong nalagay sa alanganin dahil dyan. Sa YM pwede. Eto nga pala YM ko –> lllllll_azrael_lllllll (lols)
  4. At ‘friend’, sino ka para sabihin na hindi na ako makakabalik sa itaas? Isang tao lang ang magdedesisyon kung babalik ako sa itaas o hindi. At yan ay walang iba kung hindi AKO. Sa maniwala ka’t sa hindi, wala akong pakialam jan sa top dog position na yan. Pinagtripan ko lang yan at pinatunayan sa sarili ko, na in 1 day, if I wanted to, I FUCKIN’ CAN. Parang switch lang ang turing ko jan. Something I can turn ON and OFF anytime I want to. Ngayon naka-ON, bukas-makalawa kapag tinopak ako hindi lang OFF ang gagawin ko dyan. Tutuluyan ko na, at pasasabugin ang kuntador para hindi na mag-ON pang muli.
  5. Hindi ko kailangan ibahin style ko. Hindi ko kailangan mag-blog hop 24/7. At wala din akong pakialam kung ang mga dating readers ko eh hindi na magbalikan. Karapatan nilang hindi matipuhan ang aking estilo. Karapatan nilang isipin na walang kwenta ang blog ko. Karapatan nila na sabihing “Azrael’s blog sucks, and Azrael sucks even more”.. Pero karapatan ko rin na huwag bigyang pansin at dedmahin ang kanilang mga misleading at blasphemous remarks. The Lord will punish them evil bastards for their lies.

Para sa ilang tae tao dyan na tuwang tuwa noong nawala ako sa blogosphere ng halos dalawang buwan, at nagsasabing hindi na ako makakabalik sa itaas.. At para sayo ‘friend’, na nagbigay sa akin ng input at unsolicited advice, na walang namang kakwenta kwenta..

Eto ang sa inyo… Isaksak nyo sa baga nyo.

botd-1.jpg

botd-1a.jpg

botd-2.jpg

At kung nahihirapan kayong pagkasyahin sa lalamunan nyo ang mga yan papunta sa inyong baga, gamitin nyo ang mga ito bilang pantulak.. Mainit init pa.

botd1

botd2

botd3

Kung talagang ayaw pa rin, kalabitin nyo na lang ako sa YM at hindi ako mag-aatubiling palakihin ang mga butas ng ilong nyo at ipasinghot ang halimuyak ng aking tagumpay.


pahabol: Para sayo ‘friend’ - Sa susunod, bago mo ako bigyan ng tips at pointers tungkol sa blogging, kung paano wag iwanan ng readers, at kung paano makarating sa itaas, i-set mo muna ang filter mo sa ‘tagalog’ at maki-join ka sa aming kasayahan. Pupusta ako, kahit top 10 di ka aabot.

It’s a jungle out there I’m telling you.. And right now, guess who’s KING….

*pasipol-sipol sa isang tabi habang nagsisindi ng yosi…

I’m done ranting for the day.. Got to end this blog entry with my Lenten message to NON-BELIEVERS of the AZRAEL faith..

“GO FORTH AND FUCK THYSELVES!”




Encounters

  • 98,508 aliens have made contact

 

March 2008
M T W T F S S
« Feb   Apr »
 12
3456789
10111213141516
17181920212223
24252627282930
31  

Archives

Categories