Sawa na raw sila sa presidente at sa kanyang pamilya. Sobra na daw ang mga kinasasangkutang anomalya. Pero kapag tinanong mo: “Ano?!!! Ilaglag na natin?! Makisama na tayo sa mga protesta at rallies?! Mag-ambag tayo kahit ano para lang mapatalsik sa posisyon yang salot na yan?!!” ang tanging isasagot sayo.. “Sori pre, ayoko na sa kanya oo, pero wala tayong ipapalit eh. Kaya mananahimik na lang ako”
Kalokohan. Hindi rason yan timang. Hindi porket’ walang karapat-dapat na ipalit sa nakaluklok na presidente, eh mananatili ka na lang na walang imik at hahayaan mong ipagpatuloy ang ginagawang katarantaduhan.











Recent Comments